1k Tip

1k Tip

Nagulat ako nang pagkatapos mag-wrap ng regalo ay inaabot ng Panauhin ang isang libo bilang tip sa aming tatlo na nagbalot ng mga regalo na dala niya. Ibinabalik ko ito sa kanya ngunit ayaw ng Panauhin kaya naman agad akong tumakbo palabas ng cubicle dahil paalis na si Maam. Tinanggap niyang muli ang 1k at nagwika na bibili na lang ng regalo para sa amin. Agad ko rin itong tinanggihan at sinabi na huwag na siyang mag-abala pa dahil parte naman ng aming trabaho ang aming ginawa.
Maya-maya ay bumabalik siya bitbit ang dalawang box ng pizza at dalawang bote ng softdrinks at agad ding umalis upang hindi na tayo makatanggi sa kanya. Nagpasalamat po tayo ng buong puso kay Maam. Tiyak kong lubos siyang pinagpapala ng ating Panginoon dahil sa kanyang pagiging mapagbigay.